The Great
Expectations
First, allow
me to borrow the title of Charles Dickens' 13th novel (wiki)…thanks
for that.
So I just
turned 29 last June 2nd. I told myself before that when I turned 28 I
should already be pregnant with my second kiddo. (I don’t wanna be pregnant
anymore when I reached the age of 30). Obviously it didn’t happen. The next
plan was to become pregnant on or before April of 2013 so as I will be on
maternity leave during the holiday season. Again, it didn’t materialize. So when
Kaizer decided that we will go out of town for my birthday and our wedding anniversary
I said that this would be it. No more extension. So we did try. Unfortunately
seven days after, here comes my monthly period. Grrr!!
After my
monthly period, when we thought everything was okay, we tried it again. And again.
And again. (para wala ng kawala)
Here comes
July…My July started with a severe cough. At dahil feelingera ako na baka buntis
na ako, hindi ako agad uminom ng gamot. Hanggang sa mamatay matay na ako sa
kakaubo saka lang ako nagpa-check up. Kabilin-bilinan ko sa doctor na tumingin
sa akin na baka buntis ako kaya bigyan nya ako ng safe na gamot para sa nagdadalang-tao.
At dahil
sigurista ako I double checked the antibiotics given to me. Apparently it
should not be taken during the first trimester. So nagpa check up ulit ako.
This time sa Borough naman ako pumunta. (Yung una kase sa Patient First).
Um-okey
naman pakiramdam ko after pero inuubo pa rin ako.
Balik sa
pagbubuntis. So dumaan na ang second week at third week. Wala pa ring monthly
period. Sa totoo lang naka tatlo akong bili ng pregnancy test kit. Halos every
week nagti-test ako. Ung pang apat na binili ko na tinatabi ko for the 4th
week hindi ko na nagamit kase…pagpatak ng August 1, dumating ang hindi ko
inaasahang dumating.
Gumuho ang
mundo ko. Hindi naman ako nagwalling pero shet, umiyak ako. Ayan tuloy, late
ako sa unang araw ng Agosto. Bwiset!
Hayy inis na
inis talaga ako. Baket?? Baket??
Ngayon tuloy
nawawalan na ako ng gana. Gusto ko na lang magconcentrate kay LK. Iniisip ko na
lang hindi namin kaya magpalaki ng dalawang bata. At least pag si LK lang lahat
ng gusto nya mabibigay namin ng walang kahirap-hirap. Hindi kami magkukumahog
maghanap ng pang enroll nya. Ngayon pa nga lang kamusta naman na ang tuition
fee. Syempre magka-college pa si LK. Mamaya nyan milyones na ang tuition fee
pagcollege nya diba? Pano pa kung times two lahat ng gastos kase may kapatid
sya?
Tawagin nyo
na akong negastar for all season but I don’t care. Pahihiramin nyo ba ako ng
pera kung kailangan ko? (joke lang, hirap pala ako manghiram, pag nanghiram ako,
tatlong araw ko na un prinaktis at pinaghandaan. Usually hinahanda ko sarili ko
sa tumataginting na NO).
Hay stressfull...bat
ba lahat ng bagay hindi ganun kadali. Lahat talaga kailangang idaan sa
pagsubok? OA naman ng buhay.
Kaya dapat
talaga, EXPECT THE UNEXPECTED parati ang mantra. Para
hindi ako nasasaktan…