eto pong ipo-post kong blog ay hango sa napost kong note nung isang araw
ang paghahanap ng trabaho ay parang paghahanap lang ng makakasama sa buhay....
ito'y biglang aking naisip pagkauwi ko pagkatapos ng isang job offer (nakana!) siguro mga past 12 midnight na ako nakauwi nun at ang tagal ko pa dalawin ng antok. ang weird kase ng start ng HR nila for recruitment, 1pm.
o bakit nga ba?
kase naisip ko, sa paghahanap ng unang work, sa simula may mga sine-set tayong mga standards or minsan may mga target na tayong company kung saan natin gusto magwork. parang love, may mga standard na tayo diyan, minsan naman may mga dream boy or dream girl na tayong target na ligawan o sana ay manligaw sayo.
sa simula kung hindi man marami ay may mangilan-ngilan tayong nakukuha or natatanggap na rejections. sa lovelife ang tawag diyan, "basted". tsk, tsk, tsk! marereject ka ng pinapangarap mong company, siguro kase hindi ka fit or hindi nila nakikita sayo ang something. parang love, kayong mga boys nababasted kase may mga hindi nakikita sa inyo ang nililigawan nyo. yung mga babae namang nagdi-daydream ng kanilang mga prince charming ayun at may ibang gusto, at ikaw ay isang dakilang friend na lamang.
yung iba naman winner na agad sa tinatarget na work. kumbaga sa love parehong si lalake at si babae ay love at first sight ang naramdaman. magtatagal sa pinapasukan. magtatagal bilang couple. ngunit sa paglipas ng panahon, magbabago ang yung mga priorities,magbabago ang yung mga needs, magbabago ang iyong mga aspirations. hindi mo na ito nakikita sa kasalukuyan mong pinapasukan. at kakalas ka na. hahanapin ang mga ito sa ibang company. tulad ng love, sa tinagal tagal ng inyong pagsasama akala nyo kasal na lang ang kulang. pero may mga kakilala ako, ten years, 8 years, 5 years na, pero naghihiwalay pa rin ng landas. pano kase si babae parang nagbabago na, si lalake naman naghahanap ng ibang "company".
so eto ka ngayon, naghahanap ng work, naghahanap ng love. pero hindi na basta-basta. hindi na ganun kadali.
ayan, so yan lang yung ideya ko. hehehe
Saturday, September 12, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
PS:
ReplyDeletewala tong kinalaman sa lablayp ko, sa paghahanap lang ng work hehehe
hahahaha..hanep! no comment na ko..hahahaha
ReplyDeletemay ganun?! hehehe... dati ka pa namang madrama espie. ok lang yan. hehehehehe. :-) andito naman kami lagi para pakinggan ka. go lang. :-) basta, kung gaano man humirap pa ang buhay, laging tatandaan, mahal tayo ng Diyos. yung pagmamahal na hindi nauubos at hindi humihingi ng kapalit. pagmamahal na walang hangganan. :-) nothing can snatch us from His hand (Jn.10:28-29). nothing can separate us from His love (Rom. 8:38-39).
ReplyDeletemmmmmmmmmmmmmmwah! ingat palagi. :-)
oo nga eh ang drama ko, sana naging artista na lang ako hahahaha lam mo ate buti na lang nakapunta kami senyo bago kayo lumipat ng new haus hehe
ReplyDeletehehehe. oo nga... mamimiss talaga namin tong bahay namin na to. dito kami nag-umpisa eh. hehehe. iba na talaga kapag may baby. di ideal yung loft namin for baby plus we need to accommodate the superduper excited lolas kaya we really need to transfer.
ReplyDeleteoo nga for sure madami kayo parating visitors nyan hehe
ReplyDelete