Monday, June 1, 2009

first quarter evaluation

alam ko, kalahatian na ng taon. i'm pertaining to my life
 
t'was exactly 5pm in tabaco city when i had my first cry. that was june 2, 1984.
 
ang bilis noh? ngaun i'm a mother to a 6-month old handsome baby boy. well, he's turning 7-month old this coming june 6th.
 
EARLY DAYS
i've spent my early childhood in a little barrio called evangelista (that's in umingan, pangasinan). but due to some circumstances we have to stay for good in bicol. i've had my elementary education in tiwi central school. i was an achiever. naging 1st honor ako ng grade 3. kaya lang dahil sa paniniwalang ang matalino ay di kailangang mag aral, naging top 7 lang ako ng grade 4. consistent naman din ako sa top 10.
 
TEENAGE YEARS
tabaco national high school. maliit na UP to sa first district ng albay. ang first year dito from section A to section Z9. tas every classroom may 50 students. pinalad akong maging top 50. oo, section one ako nuon, kung tawagin ay science oriented class. pero section 2 na ako from 2nd year to 4th year. masasabi kong matalino ako. hindi ko nga lang talaga hinahasa sarili ko. gusto ko kase ng normal na buhay. nasa 88 to 89 madalas ang average ko at the end of the school year. keribels lang.

tanda ko, naging treasurer ako sa buong second year nuon. naging cheerleader ng freshman. naging extemporaneous contestant. galing ko nga nuon eh, greetings lang ata nasabi ko. bat ba kase ako nakuha nilang contestant? nahilig ako sa acting-actingan ng first at second year. member pa ako ng actor's guild. isang dakilang mushroom ang role ko nuon sa 'the legend of tabaco.' take note, nagsasalitang mushroom. sumali rin ako nuon sa pastores. dream ko sumali nuon sa mga street dancing para sa ibalong festival. kaso mahal ang costume at hindi naman ako miyembro ng alta sociedad. the best na experience ko siguro na matuturing bilang high school student ay ang pagsampal ko kay meynard sa harap nina mrs casin (filipino) at ms dioleta borais. kulit kase ni meynard eh, pinasa picture ko ng nag reyna elena ako. ayun nakita ni casin, pinost sa blackboard!
 
COLLEGIATE LEVEL
UPLB. ang talino noh? pero ang totoo nyan pasang awa lang ako sa elbi. kinailangan ko ngang umatend nuon ng parang summer class eh. nalimutan ko lang yung tawag. ng time namin optional yun. after a year required ng kunin yun ng mga pasang awa.

kumuha ako ng bs developmental communication course dito. actually lahat ng kinuha kong course may kinalaman sa communication: broadcasting comm at mass comm sa diliman at comm arts at dev com naman sa elbi. kase nga gusto kong ipagpatuloy ang dream ko nuon na maging katulad ni korina sanchez. kaya nga naka braces ako nuon eh. pansin nyo ba? kaso parang di ko yata linya. naiirita na ako nuon kapag pinapagawa kami ng news. pero in fairness natapos ko naman ang course ko ng di kinakailangang mag extend. salamat na lang at si kuya rem ang adviser ko

dahil din sa devcom marami rin akong naging kaibigan. hindi ko nga lang alam kung tinuturing nila akong kaibigan hehehe joke lang!

isang malaking parte din ng college life ko ang NAVIGATORS. isang bagay ang di ko ina akalang mangyayari: ang mag lead. oo, naranasan kong maging leader dito. gumanap ako bilang presidente ng isang taon. hay, pressure ito. buti na lang napaka supportive ng mga constituents ko.
 
ON BEING A PROFESSIONAL
on time akong nag graduate kahit muntikan ko ng ibagsak ang bio1 at math14, general biology at trigonometry sa hindi nakakaalam. sinubukan kong i apply ang napag aralan ko. kaso wala talaga eh. kaya yun, napadpad sa call center. mataas ang pangarap ko. sabi ko pag iigihan ko para mapromote agad ako. kaso walang nangyari. feeling ko nga napaka incompetent ko na. minsan nagkakaroon pa rin ako ng hope, pero wala talaga. kaya maghahanap na lang ako ng panibagong trabaho. sana dun makapagsimula ako at hindi ma out of focus.

i may not be succesfull as being paid more than 50k a month; being able to travel the philippines/asia/world whenever i want to; being able to buy things/gadgets instantly, but being a mom at this time of my life is already an accomplishment for me. it may not be on the perfect timing and ways but who knows?
 
HOPELESS ROMANTIC
siguro naman lahat dumanas magmahal, masaktan, umiyak at halos mabaliw (parang oa naman ata yun). at eto na yata ang pinakapaborito kong pangyayari. maaga akong nainlove pero walang naiinlove sa akin hahaha college ng nauso ang text. syempre kaakibat nyan ang textmate. tas may isang inayakan ko pa talaga to the point na nag away kami ng friend ko. kung sino ka mang john paul ka grrrr matapang din ako noon na makipag eyeball. may isa, buong pamilya nya kasama nya. kaso parang autistic. pero mabait parents nya tsaka yung tita at pinsan nya.

isa pang memorable na ngyari sa lovelife ko ay ng maging bulag ako. todo yun. alam nyo yung nauso yung pldt landline to smart cellphone na flatrate? nakapag usap kami nun ng 5hrs straight. nagkikita kami nyan araw araw ha? alam mo yung tipong may moment na hindi siya naiintindihan ng mga tao pero ako naiintindihan ko siya. yung tipong ok lang kung sister lang ang tingin nya sa akin at may iba siyang mahal at alam nyang to the next level na ang feelings ko for him. pero natauhan na din naman ako in the end. buti na lang  nauna ako makapag graduate. bat kaya ganun noh?

itong kasalukuyang lalaki sa buhay ko roller coaster din pinagdaanan namin. hindi ko akalaing may gf na pala siya pero naging kami. ng nagreact siya sa pagbablog ko na naging kami nainis ako sa kanya. after a month nagkabalikan kami. blog ulit. until i received a personal message in friendster. aba kaibigan na pala yun ng gf. the next day yung gf mismo nag email at pinadala sa akin ang link ng blogspot nya. sa inis ko i printed all her posts at pinabasa ko sa lahat ng tao sa account namin. tapos after all those things naging close ulit kami. at naging kami for the third time. tumagal kami. pero nagbreak din after 6months. tapos naging friends ulit kami. at naging kami na naman amidst what i did. at nabuo na nga si LK. kulit noh?

 
hayyyyy
ito na yata ang super synopsis ng buhay ko.
 
sa lahat ng naging parte ng buhay ko, MARAMING SALAMAT!
 
sa mga nagpi-pray sa akin, i can't THANK YOU enough.

sa mga magulang ko, SALAMAT! (sorry po kung hindi ko naisakatuparan ang pagiging newscaster, at naging lolo at lola kayo ng napaka agang panahon, i'm telling you, maraming mga magulang ang naghahangad ng apo pero pinagdadamutan ng mga anak hehehe)
 
sa mga nagbabasa ng mga blogs ko, TENCHU! (dont worry, lahat ng nababasa nyo hindi fix. naayos din naman. way ko lang talaga ang magblog para gumaan ang nararamdaman ko. kumbaga yung mga nababasa nyo, yan yung kasalukuyan kong nararamdaman)
 
sa mga minahal ko (ng palihim at bulgaran hahaha)
 
sa mga kaibigan ko
 

sa bago kong pamilya (salamat sa pagtanggap sa akin)
 
ikaw, ikaw na kasalukuyang nagta tiyaga na basahin to, maraming salamat.
 
at higit sa lahat, kay papa Jesus. sorry po, madalas po akong disobedient sayo.
 
happy silver year to me!

12 comments:

  1. "i'm telling you, maraming mga magulang ang naghahangad ng apo pero pinagdadamutan ng mga anak hehehe)"

    Hahahaha, this is so funny! (To me at least, though probably not to my parents who might really feel as if I'm depriving them of their first grandchild!) Hahaha. =D

    Happy birthday dear Espie! Remember that it is the journey that matters. =D

    Give my best to Kaiser and LK. =D

    ReplyDelete
  2. hehehe nakalimutan ko ngang lagyan ng disclaimer yan na hindi naman lahat =)

    Thank you ate avril! mwah!

    ReplyDelete
  3. "may isa, buong pamilya nya kasama nya." -hahaha! ito ba yung sumama pa sa Liza Macuja date natin noon? hahahaha! double date tayo noon diba?! hahahahaha! hay, to all the boys you've loved before... grabe. ang buhay nga naman. iiyak-iyak ka tapos pagtatawanan mo lang din sa bandang huli as you look back. wehehehehe.

    hay, when i was young (younger?) i've always wished to have a sister na sa pagtanda namin eh magtatawanan kami sa aming nakaraan habang nasa unda (rocking chair yun) at naggagantsilyo. hehehe. tawanan na kulang na lang eh mahulog sa sahig ang mga pustiso namin. sana hindi nga lang tayo ulyanin. hahahahaha!!!

    happy 25th espiedignus!

    ReplyDelete
  4. naputol yung text natin ng june1. naubusan ako ng bala. hehehe. tapos, pathetic ako masyado nung june2 kasi, di ako marunong maglagay ng mga epektos sa comment page mo sa friendster. hahaha! hay, kahit man lang simpleng picture di ko maipaste. :-D

    ReplyDelete
  5. nga pala, dalawang songs ang naassociate ko sa synopsis na to. "Minsan" ng Eheads at "Kanlungan" ni Noel Cabangon.

    Minsan sa may UPLB tayo'y nagkatagpuan
    May mga sariling gimik at kaya-kanyang hangad sa buhay
    Sa ilalim ng iisang bubong
    Mga sekretong ibinubulong (iisa lang naman talaga ang bubong natin diba? nagsosoccer pa nga yung mga daga sa kisame eh. yung goal ng kabilang team kanila nico, yung isa sa amin. kaya takbuhan talaga yung sa yellowhouse)


    Lumilipas ang panahon
    Kabiyak ng ating gunita
    Ang mga puno't halaman
    Bakit kailangang lumisan?

    hay... nahahawa naman ako sa kasentihan mo! hehehehe.

    ReplyDelete
  6. iba pa yang minimention mo ate, ksama siya sa category na textmate hahaha

    yang "buong pamilya na kasama" iba pa yan hehehehe freshman pa ako nyan. nagbaon pa man din sila. kase tinanong ako the night before kung may place daw na pwede kainan ng libre, pumasok sa isip ko nun yung botanical =D pero hindi niya kase sinabi na magbabaon sila. so pagdating nila nf elbi, with 3 of my high school friends, and ending namin sa burger king hahaha

    ReplyDelete
  7. oks lang ate... its the thought that counts ika nga

    xoxo

    ReplyDelete
  8. ate?
    confused ako hehehe
    hulaan mo kung saan ;P

    ReplyDelete
  9. nge. di ko rin alam. yung apartment kasi ni tita alice dugtong diba? kaya literally, nasa iisang bubong lang tayo. yung part ba na yun? hehehe.

    ReplyDelete
  10. eh kase ate yung lyrics "bulong"
    tas yung explanation mo concerns about "bubong"?
    =D

    ReplyDelete
  11. aah... hehehe... actually, nilagay ko una yung "explanation" after the third line. hahaha! kaso, nilipat ko after the fourth line kasi akala ko mas ok tignan na sa dulo na lang yung "explanation". hahaha! sorry, nakakalito pala. :-D

    ReplyDelete