Monday, August 2, 2010

first day high

first working day for the month of august.

new shift. opener. not too excited as my break sched sucks.

it's 4:45am (mla time), just had my lunch break. my lunch break should be 4:30am pero hindi ko na kaya. may baon na akong 2 sandwiches which i ate during my first break (10:45pm) and second break (1:15am) pero ginugutom na ako. kumukulo na tyan ko. at nagsisimula na ring mag fade ang boses ko (with matching ehem-ehem na).

kung dangan kase ang galing galing ng scheduler namin. SLA kung SLA. sabagay, isa lang naman syang utusan. sumusunod sa kanyang mga amo. well, hindi ko naman sinasabi na magaling ako pero kase dapat ginagamit ang utak eh. puro pera-pera-pera. isipin nyo naman mga tauhan nyo.

pero sige ok lang. quits lang. buti may nakikipag swap sa break sched ko. kaya lang wala pang say kung approve na.

Sunday, August 1, 2010

its complicated

2 things: marriage and work.

WORK:
i had this thought last friday: setting a goal is bad for your health.

i know i sound so negative. but that is what i am feeling.

ang hirap kapag malapit ka na sa finish line pero ang layo sa katotohanan ng nagaganap sa gusto mong mangyari. ang sakit diba? kaya mula ngayon, gagawin ko na lang kung anong kaya kong gawin.

MARRIAGE:
i'm married at the wrong time, for (i can't say wrong) some reason.

lagi kong sinasabi sa sarili ko na nangyari na ang lahat. hindi na maaring mabura ang nakaraan at ang mga pangyayari. pagsisisihan ko pa ba naman si lance?

kaya lang minsan talaga ang hirap. may mga oras na tinatanong ko ang sarili ko kung kailangan ko ba talagang gawin ang mga bagay dahil kasal kami o dapat gawin ko lang kase gusto ko.

hay life, its complicated indeed!

Sunday, July 11, 2010

walang "personal"-an pero...

"all accumulated pers0nal breaks will be deducted from employees' salary to avoid overpersonal and abusing aux usage"

tama ba to?

kaso la ako mahanap sa labor code eh, lunch lang meron which states:
ARTICLE 85. Meal periods. – Subject to such regulations as the Secretary of Labor may prescribe, it shall be the duty of every employer to give his employees not less than sixty (60) minutes time-off for their regular meals.

eto naman sa short periods:
ARTICLE 84. Hours worked - Rest periods of short duration during working hours shall be counted as hours worked.