Thursday, April 30, 2009

this is too much

work starts at 6pm

work (supposedly) ends at 5am

but no

we're mandated to have a 2hour overtime

isnt that too much?

10 by 4 na nga eh

plus 2 hours pa?

grrrrrrr

iisa pa lamang

...ang minahal ko ng ganito

hahaha pampagising lang at inaantok ako. di bale next week, umaga na ulit ako

kase naman... hayyyy... ok lang... hehehe

Wednesday, April 29, 2009

gGggRRrrrRRRrrr

i so hate usairways and united airlines!!!!!

testing

just checking if im using a super proxy hehe

Wednesday, April 8, 2009

pls read the description***

http://loveslabyrinth.multiply.com
My very big-fat-brown Guinea Pig bit me... literally!

~im wondring anu meaning ng line na yan kung papalitan mo yung literally ng figuratively...

~any answers?

***this link is made so i could post a blog like post

Friday, April 3, 2009

sayang...

last week, i was advised by ate ivy (sis in law) that they have an opening. magforward daw ako sa kanya ng resume.

gumawa naman ako, after three long years.

last monday, tinawagan ako, phone interview.

kinabukasan, mga 9am, tumawag ulit. kung available daw ako ng 1pm for a face to face interview. eh first day ko yun being a GY shifter. pero sige, nag go na rin ako. buti na lang sahod na. nagmadali ako sa moa at bumili ng damit hahaha so yung sinuot ko wala ng laba laba hahaha

hay naku at umambon pa ng paalis na ako. pagdating ko sa RCBC, pasok ako, mali pala pinuntahan ko. dapat dun ako sa yuchengco tower. jusme 35th floor pa man din ang inakyat ko buti na lang, mabilis ang elevator. so baba ako. nagtanong ako, san po ba ang chevron?

at nakarating din sa wakas. fill out, fill out. tapos tinawag na ko ni lady guard. sabi nya punta daw ako 33rd. leche ang dinig ko third. so baba ako. wala naman ako makitang elevator na covered ang third floor. tanong ako sa guard. pantry daw yun. leche, so akyat ulit ako sa 35th. yun nga 33rd pala. tinawagan na daw sila ng mag iinterview.

tapos yun na. eh haggang ngayon wala pang tawag. panigurado di ako nakasama sa 11 to 12 persons na hinahanap nila.

kase naman, worried ako kung makakatulog pa ba ako pag uwi ko or hindi na. 6pm pa man din start ng shift ko.

so walang himala hahaha sabi ko kase need ko ng himala. na dapat wag sosobra ng 12, kasama na ako, ang nag apply hehe

next time na lang. siguro hindi pa time para iwan ang peoplesupport.

I HAVE A CAR, DO YOU HAVE A CAR???*

*isang eksenang palengke sa loob ng landbank pasay-libertad branch

casts: 1.) an assuming angry client 2.) bank manager 3.) others

tahimik akong nagfifill out ng deposit slip ng biglang nanahimik ang punong punong bangko ng landbank at iisang boses lamang ang umaalingawngaw. una akala ko foreigner, in fairness kay ate tunog foreigner, kaya sabi ko sa sarili ko medyo normal kase alam nyo naman sa US lahat na yata ng human rights naimbento. pero pag lingon ko, hindi naman pala. meron siyang sinasabi na di ko maintindihan na kesyo customer lang siya, eh ginaganun ganun na lang siya. eh itong si manager, may katandaan na, siguro 50s. yung nagtatatalak mga 28 pa lang siguro. so siguro, na high blood na rin siya, sinagot sagot na rin nya yung customer na hindi naman siya yung dinadabugan. maraming lang tao at di sinasadyang nabagsak nya ang mga papeles na bitbit, unfortunately sa harap ng nagmamagandang lolah nyo.

hala, kung anu ano ng sinasabi. maliban sa I HAVE A CAR, DO YOU HAVE A CAR line nya, meron pang nalalaman na, BAKIT MAGKANO KA BA?

kung ako dun sa manager bingyan ko yun ng amount, at ipapaproduce ko yun sa kanya in an instant ng makita niya ang hinahanap niya. yabang, mukha namang bakla hahaha